Nasakote ang isang lalaki matapos mameke at magbenta ng vaccination card sa Cavite.
Kinilala ang suspek na si Roy Pelagio Marquez, 48 anyos, isang magsasaka.
Ayon sa mga otoridad, ireklamo ng isang concern citizen ang suspek na nagbebenta umano ng mga vaccination card.
Nakuha sa suspek ang dalawang short bond paper na may print-out ng COVID-19 vaxx card, dalawang name stamp na may mga pangalan at pirma ng Rural Health Unit (RHU) officials at perang ginamit sa operation.
Nakatakdang namang kasuhan ang suspek sa patong-patong na kaso. —sa panulat ni Kim Gomez