Nang dahil sa nanakaw na ID, nasira ang kinabukasan ng isang lalaki dahil walang tumatanggap sa mga job applications niya dahil mayroon daw siyang criminal record?
Kung ano ang kinahinatnan ng lalaki, eto.
Taong 2019 nang magbakasyon ang ngayo’y 24-anyos na si Rami Battikh sa London para sa holiday bitbit ang kaniyang passport at id at nilibot ang United Kingdom.
Doon din napansin ng lalaki na wala na pala sa kaniya ang kaniyang ID at inakala na baka naiwala niya ito o di naman kaya ay nanakaw.
Ipinagsawalang bahala ito ni Rami at ginamit na lang ang kaniyang passport para makabalik sa Germany at nag-apply na lang para makakuha ng bago.
Makalipas ang ilang taon, nakatapos ng pag-aaral si Rami at nakatanggap ng mga job offers at kung tutuusin ay swerte ito dahil trabaho na mismo ang lumapit sa kaniya.
Pero biglang naglao ang mga job offer nang madiskubre ng mga employer na mayroong criminal records si Rami sa UK na ipinagtaka naman ng lalaki.
Marami rin daw siyang proweba para patunayan na wala siyang kasalanan katulad ng stamps sa kaniyang passport at nasa Tunisia rin daw siya sa kaparehas na panahon na naitala ang mga record.
Ang gumamit sa ID ni Rami, nakulong sa loob ng 18 buwan dahil sa patong-patong na reklamo katulad ng pagmamaneho ng walang lisensya o insurance, fraud, at paggamit ng id ng ibang tao at sa kasamaang palad, nadagdagan pa ang mga criminal records sa pangalan niya.
Dahil sa perwisyong dala ng mga ito, naging malaking problema para kay rami ang paghahanap ng trabaho. Umabot pa sa punto na kinailangan niyang ibenta ang kaniyang sasakyan para lang mabayaran ang mga bills.
Samantala, makikipagtulungan naman ang The Met o ang otoridad na may kakayahan na mag-access ng data base para mabura na ang mga records na nakapangalan kay Rami.
Ikaw, sa tingin mo ba ay sapat na ang pagkakakulong para sa perwisyo na idinulot nito sa biktima?