Himas rehas ang lalaking nanaksak ng tatlong food delivery riders sa barangay Culiat sa Quezon City.
Nasakote ng mga otoridad ang suspek na si Michael Atienza na inabutan ng mga otoridad sa bubong ng isang bahay sa Sitio Mabilog.
Hinabol din ng mga residente si Atienza na ang unang biktima ay nagtamo ng sugat sa kaliwang braso, nadaplisan naman sa tagiliran ang isa pang rider at nasugatan sa tuhod ang ikatlong biktima matapos sumemplang ang kaniyang motorsiklo nang habulin ng suspek.
Sinabni ni Atienza na namukhaan niya ang isa sa mga sinaksak nya na nagdiin sa kanya sa isang krimen kayat nakulong siya ng walong taon.
Ang suspek na nakuhanan ng kutsilyo ay nahaharap sa reklamong three counts ng attempted murder.