Patay ang isang 48-anyos na lalaki matapos sumiklab ang sunog sa bayan ng Naguillan, sa Barangay Baraoas Sur, La Union.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, paralisado umano ang biktima kaya nahirapan itong makalabas ng kaniyang bahay.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang posibleng sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala sa nabanggit na lugar.