Binawian na ng buhay ang lalaki na nawalan ng malay sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2.
Tinukoy ng media affairs division ng Manila International Airport Authority, ang biktima na si Carlos Legala Jr, 55 taong gulang at nakasuot ng maong pants at stripes na pantaas na kulay puti at asul.
Batay sa report, 8:55 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang medical unit ng MIAA, subalit agad din idineklarang patay ang biktima, 9:40 ng umaga.
By: Katrina Valle | Raoul Esperas (patrol 45)