Natagpuang walang buhay sa isang bangin sa Brgy. Igmaya-an, Don Salvador Benedicto, Negros Occidental ang isang lalaking pinaghihinalaang biktima ng salvage o summary execution.
Kinilala ang biktimang si Allen Palmos, isang 29-year-old dispatcher mula sa Fortune Towne, Brgy. Estefania, Bacolod City.
Nakatali ng itim na cable tie ang kanyang mga kamay, habang nakabalot ang kanyang ulo ng sarili nitong T-shirt, nang matagpuan ang biktima ng isang menor de edad.
Ayon kay Police Capt. Ignacio Javier, deputy chief ng Don Salvador Benedicto Municipal Police Station, hindi pa matiyak ang motibo sa pagpatay. Gayunman, tiniyak niyang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.