Huli ang isang lalaki na matagal nang tinutugis ng batas dahil sa pagkakasangkot sa pagnanakaw umano ng sasakyan kasunod ng operasyon sa BF Resort Village, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.
Ayon sa warrant at intelligence section ng Las Piñas PNP, nahuli ang akusadong si Antigracio Bulawin Jr. 45 taong gulang, sa bisa ng warrant of arrest.
Ang warrant laban kay Bulawin ay inilabas ni Judge Pia Cristina Bersamin-Embuscado ng Regional Trial Court, Branch 198, ng Las Piñas, para sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016.
Aabot naman sa tatlong daang libong piso ang inikomendang piyansa ng korte laban sa akusado.