Gumaling na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang lalaking sanggol sa Mariveles sa Bataan makaraang magpositibo ito sa virus.
Batay sa impormasyon ng provincial health office ng Bataan, inadmit ang sanggol sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC).
Sa paunang check-up sa sanggol, nakita na hindi naman kritikal ang buhay nito, kaya’t inilipat ang bata sa Mariveles Mental Hospital and Wellness Center (MMHWC) para doon na magpagaling.
Dahil dito, isinailalim sa dalawang COVID-19 testing ang sanggol, at lumabas na pareho nang negatibo sa nakamamatay na virus ang resulta.
Hanggang sa ngayon, wala pang malinaw na impormasyon ang mga doktor kung papaano nahawa ang sanggol.
Kasunod nito, inihayag namam ni Dr. Gerald Sebastian, municipal health officer ng Mariveles, nakauwi na aniya ang sanggol sa kanilang bahay –isang buwan mula nang ipinanganak ang sanggol.