Naparalisa ang kalahati ng katawan ng isang mangingisda sa Ragay, Camarines Sur matapos tumalon sa bangin upang makatakas sa mga pulis.
Ayon sa mga otoridad, naaktuhan nila ang suspek kasama ang iba pa nitong kasamahan sa iligal na tupadahan.
Pero nagtakbuhan ang mga ito nang tangkain ng arestuhin ng pulisya.
Dinakip ang lalaki at kapatid nito na tumalon din sa bangin at napilayan.
Sa kulungan naman ang bagsak ng iba pa nilang kasamahan, ngunit may ilan pang nakatakas.
Nakuha sa tupadahan ang dalawang manok, tari at pera sa tayaan.