Sinong mag-aakala na ang simpleng pakiusap sa kapitbahay ay mauuwi sa pananaksak?
Paano nga ba ito napunta sa isang krimen? Tara, alamin natin.
Isang bahay ang malakas pa ring nagpapatugtog ng videoke sa Laoag City, Ilocos Norte ala una ng madaling araw noong October 10.
Dahil nahihirapang matulog ang kanyang mga kasama sa bahay pati na rin ang ibang kalapit bahay, pinuntahan ng 47-anyos na ginang ang kapitbahay na nagpapatugtog para makiusap na hinaan ito.
Minasama naman ng suspek ang simpleng pakiusap ng ginang at sandaling umalis.
At nang bumalik naman ito ay may dala nang patalim at pinagsasaksak ang biktima.
Agad namang inawat ng kanyang mga kasama ang suspek at agaran ding nadala sa ospital ang ginang.
Pinaghahahanap ngayon ng awtoridad ang suspek na tumakas matapos gawin ang krimen.
Ikaw, para sa’yo, hanggang anong oras lang ba dapat pwedeng gumamit ng videoke?