Dead on the spot ang isang 39-anyos na lalaki matapos itong barilin sa ulo nang tangkain niyang tulungan ang kaibigan na hinahabol ng kanyang mga kaaway sa Tondo, Maynila.
Kinilala ni ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Edwin Gonzalez.
Ayon sa mga awtoridad, nakasakay sa tricycle ang biktima, kasama ang isa pang kaibigan na si Jhaylord Villalon, nang makita nito na hinahabol ang kanyang kaibigan.
Bumaba ng tricycle ang biktima para tulungan ang kaibigan pero nang makita siya ng suspek na tutulong ay kaagad itong bumunot ng baril at pinaputukan siya sa ulo bago umalis sa lugar.
Dinala sa ospital ang biktima pero hindi na naisalba ng mga doktor.
Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek.