Isang lalaki sa Nevada ang nadagdagan pa ang sintensya at nahatulan ng anim na dekadang pagkakakulong dahil sa pag-atake nito sa court judge.
Ang buong kwento, alamin.
January 3 nitong nakaraang taon nang mag-viral ang video na nakuhanan sa isang courtroom sa Las Vegas kung saan ay isinagawa ang sentencing hearing ng lalaki na si Deobra Redden para sa kaniyang attempted battery charge.
Nasa kalagitnaan ng pagbibigay ng sintensya ang Clark County District Court Judge na si Mary Kay Holthus nang bigla na lamang talunin ni Redden ang court bench at atakihin si holthus.
Makikita na sinubukan pang umilag ni Holthus mula sa biglaang pag-atake ni Redden ngunit tuluyan itong nahulog mula sa upuan at tumanggap ng mga suntok mula sa lalaki.
Dahil sa nangyaring gulo sa loob ng bench, tumumba ang mga nakatayong flag sa likod ng Judge at makikita kung paano nauwi sa pagkakasakitan si Redden at ang mga umawat sa biglaang pag-aamok nito.
Sinabi ni Holthus sa arrest report na inuntog ni Redden ang kaniyang ulo sa pader at hinila rin ang kaniyang buhok. Ginamot ang tinamo nitong injuries ngunit pumasok din sa korte kinabukasan.
Samantala, sinabi ni Redden sa ginanap na hearing noong December na hindi raw niya intensyong patayin si Holthus, at ayon din sa kaniyang abogado ay mayroon daw Paranoid Schizoprenia ang kaniyang kliyente at hindi nakainom ng gamot kung kaya naman wala ito sa tamang pag-iisip nang mangyari ang insidente.
Gayunpaman, ang 19-48 months na pagkakakulong ni Redden dahil sa kaniyang attempted battery charge ay nadagdagan ng sintensyang 26-65 years na pagkakakulong dahil sa pang-aatake sa Judge.
Ikaw, anong masasabi mo sa pambihirang court scene na ito?