Nagwakas naman ang maliligayang araw ng isang lalaking wanted sa kasong rape at pangmomolestiya matapos madakip ng mga awtoridad sa C5 Road, Western Bicutan, Taguig City.
Kinilala ang naaresto na si Rolando Fuselero Jr., alyas Kuyakol, 21 taong gulang, nakatira sa nasabing lugar.
Nahuli si Fuselero sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Taguig RTC dahil sa kasong rape at acts of lasciviousness.
Walang inirekomendang piyansa ang korte laban sa akusado.