Nasakote ng Surigao del Sur Police ang isang lalaki na matagal nang wanted dahil sa panggagahasa ng isang menor de edad.
Ayon kay PRO-13 director, Brig. Gen. Romeo Caramat Jr., si Elmar Cumos Cagas ay nadakip sa bayan ng Tagbina.
Matagal nang tinutugis ng batas si Cagas dahil sa kasong rape na kinakaharap nito sa isang korte sa Bislig City matapos umanong gahasain ang isang 12-anyos na dalagita noong October 2021.