Nagwakas ang maliligayang araw ng isang lalaking matagal nang wanted sa batas dahil sa patong-patong na kasong rape na kinakaharap nito sa isang korte sa Kalibo, Aklan matapos masakote ng Pasay City Police.
Kinilala ang akusado na si Elmer Bernardo, 51 taong gulang, at No. 3 Top Most Wanted Person ng Aklan PNP.
Si Bernardo ay nadakip ng mga pulis sa Roxas Blvd. sa Pasay matapos silbihan ng warrant of arrest para sa walong bilang o eight counts ng kasong rape sa Kalibo RTC o regional trial court, Branch 3.
Isinasailalim ngayon sa dokumentasyon ang akusado at nakatakdang dalhin sa Aklan para litisin sa kinakaharap nitong mga kasong kriminal.