Hihintayin muna ng Buklurang Manggagawang Pilipino ang nilalaman ng lalagdaang EO o Executive Order ng Pangulong Rodrigo Duterte para wakasan ang kontraktwalisasyon bago magbunyi.
Sinabi ni Leody de Guzman, lider ng grupo, ito ay dahil baka matulad lamang sa department order na inilabas ni Labor Secretary Silvestre Bello ang naturang kautusan na hindi naman kinatatakutan ng mga employer.
Bagamat nagsumite na ng draft EO, nakahanda parin aniya silang magbigay ng panibagong kopya nito.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Mr. Leody de Guzman ng Buklurang Manggagawang Pilipino
Bukas din, aniya, silang isantabi muna ang kahilingan nilang madagdagan ang sahod ng mga manggagawa, kapalit ng pagtatanggal ng kontraktwalisasyon.
“Gusto namin yung makuha dahil mataas nag presyo ng bilihin ngayon, presyo ng serbisyo, pamasahe, ang rent tumaas na rin, puwede naman differed muna basta tiyakin lamang na ang contractualization ay magkaroon ng total prohibition.” Pahayag ni De Guzman
By Katrina Valle | Ratsada Balita (Interview)
Photo Credit: KMK