Pitong libong Lalamove drivers sa National Capital Region (NCR) ang nakatakdang magsagawa ng “strike booking,” o hindi tatanggap ng anumang online booking sa second State of the Nation Address ni Pang. Bong Bong Marcos Jr., bukas, July 24, Araw ng Lunes.
Ayon sa ilang Lalamove drivers, nais nilang ipakita ang kanilang pagkadismaya sa napakababa umanong booking fees, na tinawag ng mga itong ‘unfair charges.’
Inirereklamo din ng mga driver ang mga promo na ibinibigay sa mga Lalamove users dahil sa kanila ikinakaltas imbes na sa kumpanya.
Maliban sa Metro Manila, makikiisa din sa protesta ang mga Lalamove drivers mula sa mga lalawigan ng Batangas, Quezon, Laguna, Cebu at Davao.
Apela ng mga ito, aksyunan ang kanilang mga hinaing.
Tikom naman ang bibig ng pamunuan ng Lalamove hinggil sa mga panawagang ito ng kanilang mga drayber.