Patuloy ang paglago ng sektor ng turismo sa lalawigan ng Albay sa kabila ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Kabilang sa mga dumaragsa ang mga local at foreign photography enthusiast na nais masilayan ang sinasabing “once in a bluemoon” na pagputok ng bulkang may perpektong hugis o perfect cone.
Ayon sa Department of Tourism o DOT, halos mapuno ng mga turista ang mga viewing deck kaya’t sinamantala ito ng ilang negosyante na sa halip lumikas ay piniling manatili sa danger zone makapag-hanapbuhay lang.
Habang abala ang libu-libong residente sa paglikas, dagsa naman sa mga restaurant ang mga nais makatikim ng iba’t ibang pagkaing Bicolano gaya ng kanilang chili flavored ice cream o lava ice cream.
Bagaman muling pumutok ang bulkang Mayon at nagbuga ng abo at usok kagabi, nananatili ang alert status sa level 4 o nangangahulugang malaki ang posibilidad ng hazardous eruption, anumang oras o araw.
—-