Nakataas ngayon ang heightened alert status sa lalawigan ng Basilan dahil sa sunud-sunod na insidente ng pananambang sa mga sundalo sa lugar
Ayon kay Western Mindanao Command Spokesman Maj. Filemon Tan, unang tinambangan ang mga sundalong nagbabantay sa paligid ng immaculate heart of mary parish na nagdiriwang ng kanilang kapistahan
Nasundan pa ng isa pang pananambang habang ibinibiyahe na ang mga sugatang sundalo mula sa naunang insidente
Tatlong sundalo ang nasugatan sa magkakahiwalay na pananambang at kasalukuyang ginagamot ngayon sa basilan community hospital
By: Jaymark Dagala