Nagpaabot na ng tulong ang National Government sa lalawigan ng Cagayan na pinadapa ng super Bagyong Lawin nuong Miyerkules.
Dala nila NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad at DSWD Secretary Judy Taguiwalo ang may Dalawanlibo Apatnaraang relief supplies lulan ng C-130 ng Philippine Airforce.
Nagsagawa rin ng areal inspeksyon ang dalawang opisyal upang tukuyin ang lawak ng naging pinsala ng super bagyo sa nasabing lalawigan.
Kasunod nito, tiniyak ni Secretary Taguiwalo na handa silang magbigay ng emergency shelter assistance, cash for work at iba pang programa para sa mga nasalanta ng kalamidad.
By: Jaymark Dagala