Niyanig ng lindol ang bayan ng Calayan, Cagayan kagabi.
Alas-9:07 nang tumama ang magnitude 5.2 at natunton ang sentro, 33 kilometers hilagang-kanluran ng Babuyan Islands.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 56 kilometers.
Naramdaman ang Intensity 3 sa Calayan, Abulug at Aparri, Cagayan; Ivana, Uyugan at Sabtang, Batanes habang Intensity 2 sa Basco, Batanes.
Bagaman walang naitalang pinsala, inaasahan naman ang aftershocks.