Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar, dakong alas-11, kagabi.
Natunton ang epicenter ng pagyanig sa layong limang kilometro, 34 na kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Mercedes
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol na may limang kilometro ang lalim.
Naramdaman ang intensity 4 sa Mercedes, General Mcarthur, Giporlos, Guiuan, Hernani, Quinapondan at Salcedo, Eastern Samar;
Intensity 3 sa Balangiga at Lawaan, Eastern Samar; Tacloban City, Leyte habang intensity 2 sa Abuyog, Dulag at Palo, Leyte.
Wala namang naitalang pinsala habang inaasahan ang mga aftershock. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla