Mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Laguna hanggang ika-20 ng Agosto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang napagpasyahan ng until Inter-Agency Task Force (IATF), sang-ayon na rin sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang panlalawigan.
Matatandaang nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng higit 14,000 COVID-19 infections na nangyari sa loob lamang ng isang araw.