Halos nakabangon na ang mga residente sa lalawigan ng Leyte, 6 na taon matapos manalasa ang super bagyong ‘Yolanda’ nuong 2013.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe. Dir. Ricardo Jalad, bagama’t may mga naninirahan pa rin sa mga temporary shelters pero marami na ang nabigyan ng permanenteng pabahay ng National Housing Authority.
Nasolusyunan na rin aniya ang problema ng isang lugar sa Leyte hinggil sa inuming tubig sa pamamagitan ng Local Water Utilities Administration (LWUA).
Nakumpleto na ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ang kanilang water supply project sa Cabalawan Village sa Tacloban City, lalawigan ng Leyte.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. At Usec. Ricardo Jalad kasabay ng ika-anim na anibersaryo ng pananalasa ng super bagyong yolanda.
Aniya, libreng ikinabit ang water supply sa may humigit kumulang 14,000 pamilya na nabigyan na ng pabahay ng National Housing Authority (NHA) sa lugar.
Gayunman, aminado si Jalad na hindi pa rin 100%g nakabangon ang leyte mula sa hagupit ng super bagyo 6 na taon na ang nakalilipas.