Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Sorsogon, kagabi.
Alas diyes y medya nang tumama ang magnitude 5 na lindol.
Natunton ng Phivolcs ang sentro ng pagyanig 8 kilometers, pa-timog kanluran sa bayan ng Donsol Sa Sorsogon.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 16 kilometers.
Naramdaman naman ang intensity 3 sa Legaspi City, habang ang intensity 2 naman ay sa mga lugar ng Iriga, Pili, Camarines Sur at Malunay, Quezon at intensity 1 sa Sipocot, Camarines Sur.