Nais lamang ipaintindi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local official ng Mindanao ang lalim ng problema ng karahasan at kawalan ng kapayapaan kaya’t nabanggit ang posibleng pagpatupad ng Martial Law sa rehiyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais ng Pangulo na mapagtanto ng mga lokal na opisyal ang bigat ng problema sa law and order sa Mindanao at tumulong sa gobyerno upang labanan ang terorismo at iligal na droga.
Umaasa anya sila sa Palasyo na magsilbing hamon sa mga lokal na opisyal sa Mindanao ang apela ng Pangulo na tulungan siyang ipatupad ang peace and order.
Sinabi ni Abella na malinaw ang naging pahayag ng punong ehekutibo na ayaw niya ng Martial Law subalit kung hindi na talaga ma-control ang karahasan at kilos ng sindikato ng iligal na droga ay mapipilitan ito na magdeklara ng batas militar sa rehiyon.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping