Nagpositibo sa red tide toxins ang sample na nakuha sa mga lamang dagat mula sa 12 lugar sa bansa.
Dahil dito ipinagbawal ng BFAR ang pagkuha, pagbebenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish sa honda at Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan, katubigang bahagi ng Milagros sa Masbate, Sorsogon Bay sa Sorsgon, katubigang bahagi ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol Tambobo bay sa Siaton, Negros Oriental, katubigang bahagi ng Zumarraga sa Western Samar.
Bukod pa ito sa katubigang bahagi ng Calubian, Leyte at Cancabato Bay sa Tacloban City sa Leyte katubigang bahagi ng biliran islands gayundin ng Guiuan sa Eastern Samar Balite bay sa Mati City, Davao Oriental, lianga Bay at katubigang bahagi ng hinatuan sa Surigao Del Sur at Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur.
Sinabi ng BFAR na ang mga isda, pusit, hipon at alimasag ay ligtas kainin basta’t sariwa at nalinis ng mabuti at inalis ang mga lamang loob nito bago lutuin.
Ipinabatid pa ng BFAR na nag positibo rin sa red tide toxin ang katubigang bahagi ng inner malampaya sound sa Taytay, Palawan.
Idineklara namang red tide free ang katubigang bahagi ng Bataan, Daram Island, Cambatutay, Irong–Rong, Maqueda At Villareal Bay sa Western Sama Aa Cariga Bay sa Leyte.