Halos kapareho ng mutation ng Delta variant ang Lambda Coronavirus variant na una nang na-detect sa Peru.
Ayon ito kay Dr. Rontgene Solante, infectious disease expert, kaya’t posibleng maging variant of concern na rin ang Lambda variant na hindi pa naman nade-detect o nakakapasok sa Pilipinas.
Ibinabala ni Solante na uubra ring makahawa ang Lambda variant at posibleng maging resistant dito o makabawas ng efficacy ang mga bakuna tulad ng nakita sa mga variant of concern tulad ng Delta at Alpha.
Kasabay nito, hinimok ni Solante ang publiko partikular ang mga matatanda, persons with comorbidities at mga bata na mahigpit na kumilos laban sa COVID-19 kung saan naitala ang pagsirit nito sa San Lazaro Hospital.