Wala pang naitatalang Lambda Coronavirus variant sa Pilipinas.
Ito ang nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na wala pang datos na makakapagpakita na ang Lambda variant ay mas nakakahawa.
Aniya, maniwala lamang sa mga impormasyong galing sa kagawaran at sa Philippine Genome Center tungkol sa mga Coronavirus variant case sa bansa.
Sinabi pa ni Vergeire, tanging ang PGC lang ang nakakapag-test ng whole genome sequencing sa bansa.
Una nang inihayag ng World Health Organization (WHO) na ang Lambda ay na-classified bilang “variant of interest”.