Solido ang suporta ng buong Lanao Del Sur kay presidential frontrunner Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. at vice presidential frontrunner mayor Inday Sara Duterte.
Tiniyak ito ni governor Mamintal Alonto Adiong, Jr., kasunod nang idinaos na mini rally para sa BBM Sara Uniteam na dinumog ng libo-libong supporters.
Ayon kay Adiong, buo ang suporta ng Lanao Del Sur sa tambalang Marcos at Duterte na tanging nakikita nilang dapat na mamuno at magpatuloy ng pagbabago sa buong bansa.
Ipinagmalaki pa ni Adiong ang aniya’y pagiging matapang ni BBM gayundin ang pagiging mapagkumbaba, matalino, pursigido at matibay ang pagmamahal sa Pilipinas nito ay sumasalamin sa pagpupunyagi ng bawat tao.
Siniguro ni Adiong ang pagsama niya at mga taga-Lanao Del Sur kina BBM at Mayor Sara hanggang makamit at marating ang tagumpay sa Mayo 9.