Nagdeklara ng state of calamity ang probinsya ng Lanao Del Sur dahil sa epekto ng Bagyong Vinta.
Nagkaisa ang sanggguniang panlalawigan na isailalim sa state of calamity upang magamit ng calamity fund ng probinsya para mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa libo – libong nasalanta ng bagyo.
Dahil dito, iiral na ang price freeze sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa probinsya.
Bukod sa mga pagkain at hygiene kit, nagsimula na ring mamigay ang Provincial Health Department ng mga gamot upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.