Dalawang beses niyanig ng lindol ang Lanao Del Sur ngayong araw.
Ayon sa PHIVOLCS, unang naitala ang pagyanig dakong alas 2:00 ng madaling araw na may lakas na magnitude 3.5
Natukoy ang sentro ng lindol sa layaong 25 kilometro Timog Kanluran ng bayan ng Wao.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 11 kilometro.
Alas 6:26 naman kaninang umaga nang maitala ang ikalawang pagyanig na may lakas na magnitude 3.3
Natukoy naman ang epicenter ng lindol sa layong 29 na kilometro Timog Kanluran ng Wao.
Wala namang napa-ulat na napinsala sa naturang pagyanig at wala ring inaasahan ang PHIVOLCS na mga aftershocks.
By: Meann Tanbio / Ralph Obina