Niyanig din ng Magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Wao sa lalawigan ng Lanao Del Sur mag-aala 1:00 kaninang madaling araw.
Naitala ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig sa layong sampung kilometro timog silangan ng nasabing bayan.
Tectonic din ang pinagmulan ng nasabing pagyanig at may lalim itong 15 kilometro mula sa episentro.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 4 sa Wao, intensity 3 sa Malaybalay at Valencia City sa Bukidnon, intensity 2 ang naramdaman sa Cagayan de Oro, Iligan at Marawi City.
Habang intensity 1 naman sa Cotabato City gayundin sa Midsayap sa North Cotabato.
By: Jaymark Dagala