Niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng Wao, Lanao Del Sur, mag a – ala singko kaninang umaga.
Naitala ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig, labing apat na kilometro sa hilagang kanluran ng Wao.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na tatlong kilometro.
Naramdaman ang intensity 5 sa Wao, Lanao Del Sur, intensity 4 sa Kalilangan, Bukidnon; intensity 3 sa Cotabato City, intensity 2 sa Cagayan de Oro City; Pangantucan, Maramag, Valencia City at Quezon, Bukidnon; Cotabato City at intensity 1 sa Alabel, Sarangani; at Mambajao, Camiguin
Simula kaninang umaga ay nagkaroon na ito ng higit sa limang aftershocks.
By: Katrina Valle