Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang bahagi ng Wao, Lanao del Sur, mag-aala-5:30 kaninang umaga.
Naitala ng PHIVOLCS o Philippine Insttitute of Volcanology and Seismology ang epicenter ng pagyanig, anim (6) na kilometro sa timog kanluran ng Wao.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim lamang na isang kilometro.
Naramdaman ang intensity 4 sa Davao City; Cagayan de Oro City; Cotabato City; at Gingoog City, Misamis Oriental.