Mariing itinanggi ni Lanao del Sur Vice Gov. Mamintal Adiong ang pinalutang ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nakipag-pulong sila sa ilang mga pulitiko mula sa Liberal Party bago sumiklab ang gulo sa Marawi.
Giit ni Adiong, walang nangyaring pulong bagama’t kinumpirma niya na nagtungo nga sa kanila si Senador Bam Aquino nuong Mayo 19 para pasinayaan ang kauna-unahang Negosyo Center sa ARMM.
Mismong si Aguirre pa ang nag-text sa kaniya dakong ala 1:00 ng hapon kahapoin matapos ang presscon nito sa Maynila at sinabing misquoted lamang siya ng media.
Kasunod nito, tiniyak ni Adiong na kaisa ng sambayanan ang mga angkan ng Alonto at Lucman sa mga hakbang para maibalik ang kapayapaan sa Marawi City at sa kabuuan ng Mindanao.
By: Jaymark Dagala