Nagbukas na ng satellite office ang Land Bank of the Philippines para makatulong sa pamimigay ng cash assistance sa mga PUV drivers sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng bayanihan to heal as one act.
Simula ngayong araw na ito hanggang sa Abril 17, Biyernes ay bukas, 8:30 a.m. ng umaga hanggang 12 NN ng tanghali ang satellite operations office ng Land Bank sa lto East Avenue sa Quezon City.
Pinayuhan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga driver na huwag nang magtungo sa Land Bank kung wala sa listahan ang kanilang mga pangalan na maaari anitong i-check sa link na https://tinyurl.com/sapfordrivers