Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng Land Bank of the Philippines ng cash subsidy sa mga magsasakang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Agriculture secretary William Dar, sa ilalim ng financial subsidy to rice farmers, makatatanggap ng P5,000 ang kwalipikadong magsasaka o ang mga nasa lugar na hindi sakop ng rice farmers financial assistance.
Ani Dar, matatanggap ng mga magsasakang ito ang pera sa pamamagitan ng direct cash transfer kung saan maibibili nila ang mga ito ng mga kailangan nila sa pagsasaka o kaya ay pagkain para sa kanilang pamilya at iba pang pangangailangan.