Apektado ang land travel o ang pagbyahe ng mga sasakyan sa ilang bahagi ng Bicol, Visayas, at Mindanao bunsod ng paghagupit ni Typhoon Paeng.
Sa inilabas na advisory ng Department of Transportation (DOTr), sinabi nito na pinapayuhan ng Land Transportation Office-Philippines (LTO) Region V ang publiko na pansamantala nilang sinuspende ang mga byahe o land travel patungo sa Masbate, Virac, Visayas, at Mindanao.
Pahayag ng ahensya, layun nito na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at maiwasan ang pagkakaipon ng mga sasakyan sa Matnog at iba pang Sea Ports sa Bicol.
Giit ng DOTr, mananatili ang kautusang ito hanggat hindi nawawala ang typhoon at storm signals sa ibat ibang bahagi ng bansa dahil sa pananalasa ni Bagyong Paeng.