May bagong programang alok ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK) para sa mga negosyong naapektuhan ng pananalasa ng bagyo at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon sa LANDBANK, tinawag ang programa na NATION SERVES o “National Assistance Towards Initiating Opportunities To Entities Amid Social and Economic Reverses which Visibly Entail Shockwaves to Businesses”.
Aabot sa P50-B ang inilaan ng LANDBANK sa programa kung saan maaaring umutang ang mga negosyo ng hanggang 85%.
Ang mga kumpanyang maaaring mag-avail sa programa ay ang; Agri-Business, Aviation, Hardware and Machine, Manufacturers, Energy and Fuel providers, Manufacturing, Electronics, Metals, Medicines, Renewable Energy, at Shipbuilding.