Naglaan ng Isang Bilyong Piso ang Landbank of the Philippines para sa mga programang pagpapautang sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa mga kanayunan
Ayon kay Landbank OIC Cecilia Borromeo, makatutugon aniya ito sa pangangailangan ng may Isa punto Dalawang Milyong nasa sektor ng agrikultura gayundin ng mga maliliit na negosyante
Tinawag ang nasabing programa bilang embrace o empowering barangays in remote areas through credit and enterprises
Binigyang diin pa ni Borromeo na mas madali nang makautang ang mga nasa sektor ng agrikultura dahil kaunting rekesitos na lamang ang kakailanganin gayundin ang mababang interes na ibibigay sa mga mangungutang
By: Jaymark Dagala