Tinanggal na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pangalang Lando sa listahan ng mga bagyo makaraaang magtala ito ng matinding pinsala sa bansa.
Ayon kay Robert Sawi, Asst. Weather Forecaster ng PAGASA, tatanggalin na ang pangalang Lando at papalitan ito ng Liwayway.
Apatnapu’t pito (47) ang naitalang patay habang 83 ang sugatan sa pananalasa ng bagyong Lando batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Siyam punto siyam (9.9) na bilyong piso naman ang naitalang pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura at imprastraktura na siyang itinuturing na isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Luzon sa loob ng limang taon.
By Jaymark Dagala