Nagkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa ang ilang bahagi ng Samar, Aklan dahil sa malakas at walang tigil na pag-ulan bunsod ng nararanasang Low Pressure Area (LPA).
Nabatid na lumambot ang lupa sa bahagi ng Calbayog-Catarman Road at Barangay Canlapwas sa Catbalogan City dahilan para mahulog sa isang drainage ang isang lalaki.
Nakapagtala naman ng baha at minor landslide sa mga Bayan ng Banga, Batan, Makato, Malinao, Numancia at Kalibo sa Aklan.
Samantala, hindi naman madaanan ng mga maliliit na sasakyan ang kalsada sa Brgy. Torralba, matapos umabot sa lagpas tuhod ang tubig-baha.
Ayon sa Information Officer ng Office of Civil Defense (OCD-Western Visayas), inaalam pa nila ang kabuoang bilang ng mga pamilyang lumikas dahil sa landslide.
Sa kabila ng masungit na panahon ay nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng mga airport at seaport sa nabanggit na probinsiya. —sa panulat ni Angelica Doctolero