Nasa 20 pamilya ang nagsilikas makaraan ang pagguho ng lupa o landslide sa bayan ng Malilipot sa lalawigan ng Albay.
Bunsod ito ng walang tigil na pag-ulan sa lugar sanhi ng umiiral na low pressure area o LPA na siyang dahilan ng paglambot ng lupa sa barangay San Roque.
Gayunman, nagrereklamo na ang mga nagsilikas na kasalukuyang tumutuloy sa evacuation center dahil sa pagkakasakit ng mga bata sa naturang lugar.
Sa ngayon, isinasaayos na ng lokal na pamahalaan ng Malilipot ang posibleng relocation para sa mga pamilyang apektado ng nasabing landslide.
By: Jaymark Dagala