Nananabik na ang mga taga-Myanmar sa resulta ng kanilang makasaysayang halalan.
Makapigil hiningang inaantabayanan ang inaasahang landslide victory ng kanilang democracy icon na si Aung San Suu Kyi.
Ayon kay Han Tha Myint, tagapagsalita ng partidong National League for Democracy, bagama’t lumalamang, hindi pa malinaw kung makukuha nila ang mayorya ng parliyamento.
Sa sandaling manalo, tiyak na mapapahina na ni Suu Kyi ang impluwensya ng Military Junta sa kanilang bansa.
By Jaymark Dagala