Magtatala sa kasaysayan sa presidential elections ng Pilipinas si Presidential Frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. dahil base sa pinakahuling resulta ng Kalye survey.
Sa April 11 hanggang 30 survey sa mahigit 10,000 respondents, nakakuha si marcos ng 68.3% habang 68.2% ang kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Dahil dito, sinabi ng Splat Communications na maaaring ito na ang maging pinakamalaking ‘landslide victory’ sa kasaysayan ng presidential elections ng bansa.
Inihayag ito ng Splat, 4 na araw na bago ang May 9 elections sa lunes.
Samantala, pangalawa pa rin sa Kalye survey si Vice President Leni Robredo na mayroong 14%; Senator Manny Pacquiao, 5.8% at Manila Mayor Isko Moreno, 4.6%.
Pangalawa naman sa pagkabise-presidente si Senate President Tito Sotto na mayroong 15.6%.