Nagbabala ang PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa posibleng pagguho ng lupa sa mga bulubunduking bahagi ng Leyte na niyanig ng 6.5 magnitude na lindol.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, ito ay dahil sa malambot ang lupa na dulot ng madalas na pag-uulan at maaaring mayanig pa ng mga inaasahang aftershocks.
Aniya, mayroon na silang naitala na dalawang daan at animnapu’t limang (265) aftershocks hanggang kaninang alas-8:00 ng umaga na ang pinakamataas ay umabot sa 4.3 magnitude.
Paliwanag pa ni Solidum, wala aniyang dapat na ipag-alala dahil ang mga nasabing aftershocks ay normal lamang na proseso kapag may tumamang malakas na lindol sa isang lugar.
“Patuloy ito, panaka-naka hanggang kaninang alas-8:00 ng umaga may naitala na tayong 265 na aftershocks, ito naman ay hindi damaging, yung iba diyan ay mararamdaman, expect nila na patuloy pa ito pero huwag silang mabahala mga normal na proseso lang ito, although may mga posibleng malakas na magnitude pa rin.” Pahayag ni Solidum
By Krista de Dios | Karambola (Interview)
Landslides sa mga bulubunduking bahagi ng Leyte ibinabala was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882