Muling isinailalim sa general community quarantine ang Laoag City sa Ilocos Norte.
Ito ay makaraang sumirit muli ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.
Isinailalim din sa “total lockdown” ang Barangay San Lorenzo at Caaoacan, gayundin ang maraming sitio sa lugar.
Sa ngayon, batay sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan ng Laoag City, pumapalo na sa 424 ang kabuuang kaso ng virus sa lugar, kung saan 124 sa mga ito ang aktibo, habang 297 na ang nakarerekober.