Magluluwag na ng restriksyon ang Laos para sa mga fully vaccinated tourist na papasok sa kanilang bansa.
Ito ay matapos bumaba sa 80% ang bilang ng turistang bumibisita sa laos noong 2020 mula sa 4.7 milyon noong 2019.
Ayon kay Deputy Minister and Deputy Head of the Prime Minister’s Office Thipphakone Chanthavongsa, simula na ito sa pagbangon ng ekonomiya ng Laos na lubos na naapektuhan ng pandemya.
Mananatili naman ang rapid antigen test requirements para sa mga unvaccinated tourist na bibisita sa Laos.