Aaksyunan ng Lapu-Lapu City LGU ang mga ulat na kumakalat online na may mga indibidwal na ginagamit umano ang pangalan ng LGU para magbigay ng pekeng vaccination cards.
Ayon sa city government, wala pang anumang kaparusahan ang pagiimprenta at pagbebenta ng COVID-19 vaccination cards at maituturing itong iligal.
Samantala, isang netizen ang naglabas ng screenshots ng usapan nila ng kaibigan at isang nag-ooffer ng vaccination card sa halagang 1,500 pesos.
Ayon naman sa Lapu-Lapu City Police, wala pa silang natatangap na anumang reklamo ng umano’y pagbebenta ng pekeng vaccination cards at kanila ring titingnan ang nasabing usapin. —sa panulat ni Rex Espiritu